Shaquille O'Neal (AP Photo/Mark J. Terrill)
Shaquille O'Neal (AP Photo/Mark J. Terrill)

LOS ANGELES (AP) — Pinarangalan ng Lakers si Shaquille O’Neal sa paglalagay ng bronze statue ng Hall of Fame center sa harap ng Staple Center.

Ginabayan ni O’Neal ang Lakers sa tatlong sunod na NBA title.

Ang batang anak ni O’Neal ang humila sa kurtina na tumatakip sa estatwa na nakalambitin sa rim at may taas na 9 feet (2.74m) at bigat na 1,200 pounds (544kg).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umulan ng kulay purple at gold na confetti at lumantad ang malalaking streamers para sa sermonya na dinaluhan ng mga kapwa Lakers legend tulad nina Jerry West, Kareem Abdul-Jabbar at Kobe Bryant.