PIOLO AT SHAINA copy

INAMIN ni Piolo Pascual sa kanyang guesting sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Biyernes na may mutual understanding sila ni Shaina Magdayao at boto ang pamilya niya sa dalaga.

Sa diretsong tanong ni Kuya Boy kung mahal ni Piolo si Shaina, mabilis siyang sumagot ng, “Oo naman!”

Ito ang paliwanag ng bida ng Northern Lights: A Journey to Love tungkol sa relasyon nila ng aktres:

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Shaina and I have a mutual understanding na hindi namin alam kung paano ipaiintindi sa tao. What we have is really something special and mahirap kasi nga pareho kaming public figure and so we just decided na huwag na lang magsalita.

Whatever we have is what we have. It is what it is.”

Binanggit ni Kuya Boy na botong-boto ang Ate Vina Morales ni Shaina kay Piolo na agad din namang ginantihan ng aktor ng, “My family as well.”

Sa two-minute fast talk, nang ipa-describe ng TWBA host si Shaina kay Piolo, “Love.”

Inamin din ng aktor na masasaktan siya kung makikipag-date sa iba ang dalaga at sana raw alam niya.

Kaya sa mga nagtatanong kung ano ang real score nina Piolo at Shaina, para sa amin ay ‘sila na’ talaga at hindi na kailangang i-memorize ‘yun, di ba, Bossing DMB?

(Boto rin ako. –DMB)

Since umamin na si Piolo, imbitahin kaya niyang manood ng Northern Lights: A Journey to Love si Shaina sa premiere night sa Martes, Marso 28 sa SM Megamall Cinema 7? (Reggee Bonoan)