Nagsisimula pa lamang ang panahon ng tag-init ngunit nakababahala na ang epekto nito.

Nasawi ang isang pulis makaraang makaranas ng paninikip ng dibdib dulot ng init ng panahon sa Ermita, Maynila kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Manila Medical Center si PO3 Leo Marcelo, 37, tubong Kalinga, Apayao at nakatalaga sa Station 5 ng Manila Police District (MPD).

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran ng MPD- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 2:30 ng madaling araw nang manikip ang dibdib ng biktima.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

At dahil sa hirap sa paghinga ay napaupo na lamang sa harap ng Lawton Precinct Community Precinct ang biktima kaya pinayuhan ng kanyang kabaro na si PO1 Lorren Hope Lardizabal na magpa-check up.

Sa puntong ito, minabuti ng biktima na pumunta sa isang tindahan malapit sa PCP at bumili ng mineral water at kinausap pa ang vendor na si Steve Delos Reyes.

Muli umanong umupo ang biktima sa cooler at saka uminom ng tubig ngunit bigla na lang itong mawalan ng malay.

Isinugod ni Lardizabal sa nasabing ospital ang biktima ngunit huli na ang lahat. (Mary Ann Santiago)