Nakabigti sa poste ng kuryente at wala nang buhay nang matagpuan ang isang barker sa bakod ng Philippine Sports Commission sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Beltom Cordero, 29, ng 1930 Leveriza Street, Pasay City.

Batay sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 7:45 ng gabi nadiskubre ni Alex Alcantara, guwardiya ng isang bangko, ang bangkay ng biktima.

Kilala umanong barker si Cordero sa Adriatico St.

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Huli umanong nakitang buhay ni Alcantara si Cordero bandang 7:00 ng gabi noong araw ding iyon habang naglalakad sa harap ng bangkong kanyang pinaglilingkuran.

Inaalam na kung nagpakamatay o pinatay si Cordero. (Mary Ann Santiago)