SA isang katoto namin nalaman na sinuspinde ng DZRH ang radio program ni Mocha Uson. Ayon sa source, ang dahilan ng suspension ay ang below the belt na pambabastos at halos pagyurak ni Mocha sa pagkatao ni Vice President Leni Robredo.
May concerned citizens/listeners palang sumulat sa management ng DZRH para ireklamo ang pagmumura ni Mocha sa airwaves.
Nagdesisyon ang namamahala ng istasyon na ipatigil ang naturang programa dahil sunod-sunod ang reklamong natatanggap nila.
“Paano ba naman, eh, may kasamang pagmumura, tinawag na tanga, bobo at pekeng bise presidente ni Mocha si VP Leni. Kaya hayun, hindi na muna siya pinag-report sa show niya,” sey ng source namin.
Marami raw ang naka-tune in nang araw na ‘yun at nadismaya ang mga ito sa ginawa ni Mocha at pati na nga raw ang mga solidong maka-Duterte ay nanliliit sa mga pinagsasabi ng MTRCB board member, huh!
Maaaring pansamantala lang daw ang suspensiyon ng show ni Mocha pero hindi alam ng source kung kailan ito ibabalik.
May ilalabas daw na memorandum ang pamunuan ng Manila Broadcasting Company hinggil sa isyu at iyon na lang daw ang hintayin ni Mocha, pero malamang daw matagal-tagal na munang hindi mapapakinggan si Mocha sa programa niyang Boses ng Ordinaryong Mamayang Pilipino. (Jimi Escala)