Ipagdadasal umano ni Senador Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte upang mapatawad ito sa mga kasalanan nito at hindi mapunta sa impiyerno.

“That might be too much to ask, but miracles do happen. This is my fervent prayer so that he may be saved from hell and so that Satan may be saved from his potty mouth. Kawawa naman si Satanas kay Duterte 'pag nagkataon,” saad sa sulat-kamay na pahayag ni De Lima.

Ito ang tugon ni De Lima sa naging pahayag ng Pangulo na sa impiyerno mapupunta si De Lima at magiging reyna ni Satanas.

Sa kanyang talumpati sa mga Pinoy sa Thailand nitong Miyerkules, sinabi ng Pangulo na batid niyang bilang na ang kanyang mga oras sa mundo dahil sa kanyang edad. At kapag siya’y pumanaw, sinabi niyang sa impiyerno siya mapupunta at sasalubungin umano niya roon si De Lima. (Leonel M. Abasola)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20