Nagpiyansa kahapon sa Sandiganbayan si dating Caloocan City mayor Enrico “Recom” Echiverri sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang drainage project ng lungsod noong 2011.

Nagbayad ng P30,000 piyansa si Echiverri sa 2nd Division sa paglabag nito sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 dahil sa pag-award ng P2.7-milyong kontrata sa E.V. & E. Construction nang walang pag-apruba mula sa Sangguniang Panglungsod. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter