Nangako ang China na sisikaping kumpletuhin ang konsultasyon sa binabalangkas na Code of Conduct in the South China Sea (COC) sa kalagitnaan ng 2017 kasama ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa kondisyon na walang tagalabas na makikialam.

Ito ang ipinangako ng Chinese foreign ministry ilang araw bago ang 20th Joint Working Group Meeting on Implementing the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na gaganapin sa Cambodia sa Marso 29 hanggang 30.

Sa batayan ng lubusan at epektibong pagpapatupad sa DOC, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying na nakapangako ang China at mga kasaping bansa ng ASEAN sa pagpapatibay sa “maritime practical cooperation, actively move forward consultations on the COC, and formulate a set of regional rules acceptable to all,” sa press briefing na ginanap sa Beijing at ang transcript ay ipinaskil sa official website ng Chinese Embassy sa Manila. Nilinaw din ni Hua ang kontrobersiyal na pagtungo noong nakaraang taon ng mga barkong Chinese sa Benham Rise at iginiit niya na “China fully respects the Philippines’ rights and interests over the region.”

(Roy C. Mabasa)

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente