PERTH, Australia – Nakakuha ng tiket para makalaro sa prestihiyosong US Kids Golf World Championship ang magkapatid na Alessandra at Daniel Nagayo matapos magkampeon sa kanilang division sa Melbourne Summer Tour.

Nakatakda ang world championships sa Pinehurst, North Carolina sa Agosto 3-6.

Nadomina ni Ella ang girls 12-14 year old division, habang namayagpag ang nakababatang kapatid sa boys 11-year old division sa Cheltenham Golf and Country Club. Nasa Australia ang magkapatid dahil sa nakuhang scholarship.

Sa Australia, may local tour na ginagawa para sa qualifying ng US Kids Golf tour na ginagawa sa Melbourne, Sydney at Brisbane tuwing summer, winter at spring.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m so proud of Ella and Daniel. They really put in a lot of hardwork in practice and now, they finally reaped the fruits,” pahayag ni Rachel Zozobrado-Nagayo, ang ina ng magkapatid at dating Councilor sa Davao City.