TARGET ng Meralco ang ikatlong sunod na panalo na magluluklok sa kanila sa solong liderato sa pagsalang kontra Talk ‘N Text ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Nasa three-way tie sa kasalukuyan sa pangingibabaw sa team standings ang Bolts kasalo ng Alaska at defending champion Rain or Shine na may malinis na barahang 2-0.

Ang Texters naman ang nag-iisang koponan na hindi pa nasasalang ngayong second conference.

Magtutuos ang Bolts at ang Texters ganap na 7:00 ng gabi matapos ang unang salpukan sa pagitan ng NLEX at Mahindra ganap na 4:15 ng hapon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakdang iparada ng Texters ang NBA journeyman na si Lou Amundson na nakasampung koponan na nilaruan sa NBA pinakahuli sa koponan ng New York Knicks.

Mauuna rito, mag-uunahan namang makapagtala ng panalo ang Road Warriors at ang Floodbusters na kapwa nabigo sa unang dalawa nilang laban. (Marivic Awitan)