Ipinaalam sa mga kamag-anak at kaibigan ni Juan Castillo Ilagan ng Bauan, Batangas na siya ay sumakabilang-buhay na nitong Sabado, Marso 18, sa edad na 87.
Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Ka Juan sa kanilang bahay sa Barangay Inicbulan, Bauan, Batangas.
Naulila niya ang kanyang maybahay na si Sylvia, at mga anak na sina Joebart at Josephine Ilagan; Greg at Jocelyn Ilagan Magnaye; at Johndie Ilagan.
Si Ka Juan ay tiyuhin ni Aris Ilagan, kolumnista at dating editor ng BALITA.
Itinakda ang libing ni Ka Juan sa Sabado, Marso 25, sa Filipinas Memorial Park matapos ang misa sa Bauan Immaculate Concepcion Church sa Bauan dakong 1:00 ng hapon.