Kris copy copy

“A small peek at our future home. Posting this because my contractors, project manager, suppliers and decorators all promised we can be settled in by Mother’s Day -- they have 54 days to go.” 

Ito ang IG post ni Kris Aquino nitong nakaraang Martes ng hapon para ipaalam din sa publiko na malapit nang matapos ang kanyang ipinagagawang bahay.

Mansiyon na maituturing ang dream house na ito ni Kris kaya mahigit isang taon nang under construction. Depende rin yata sa mga materyales na gusto niyang ipalagay sa bahay na balita namin ay galing pa sa ibang bansa kaya nahihirapan din ang suppliers niya.

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Kaya hanggang ngayon ay sa isang sosyal na condominium pa rin pansamantalang naninirahan ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby habang ginagawa pa ang dream house nila.

Ito na raw ang magiging permanenteng bahay na titirhan nila hanggang sa magretiro si Kris, ayon sa pahayag niya noon, kaya materyales fuertes ang lahat pati tiles.

Samantala, parating masaya ngayon ang Queen of All Media dahil positibo ang feedback sa airing ng Trip Ni Kris sa Abril 9 sa GMA-7 at dagsa ang ads na pumapasok.

Hindi pa lang namin alam kung masusundan ang special travel show na ito ng TV host. Pero maraming fans at followers niya sa social media ang nagwi-wish na sana ay gawing regular. Ang problema nga lang, ang dami-dami niyang inaasikaso at baka mahirapan din siya sa tapings out of town. (REGGEE BONOAN)