NAGSAMPA ang Spice Girl na si Melanie ‘Mel B’ Brown ng diborsiyo laban sa kanyang asawa makaraan ang halos 10 taong pagsasama, at idinahilan ang irreconcilable differences.

Makikita sa court papers na isinampa sa Los Angeles Superior Court nitong Lunes na naghiwalay nitong nakaraang Disyembre ang British pop star na si Brown, 41, at asawang si Stephen Belafonte, TV producer.

Hinihiling ni Brown ang joint legal at physical custody ng kanilang limang taong gulang na anak na si Madison Brown Belafonte.

Hindi agad tumugon ang mga kinatawan ni Brown sa Reuters nang hingan ng komento at hindi rin naging matagumpay ang pagsisikap na makausap si Belafonte.

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?

Ikinasal si Brown, pinakakilala bilang Scary Spice sa 1990s British pop group na Spice Girls, kay Belafonte noong Hunyo 2007.

May dalawa pang anak si Brown mula sa dati niyang mga nakarelasyon. (Reuters)