Dati nila itong pangalawang tahanan, komportable at ligtas sila rito.

Pero sa biglang ikot ng kapalaran, si Supt. Marvin Marcos at ang kanyang 13 tauhan ay mananatili sa naturang opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 8 sa Tacloban City hindi na bilang host-cops kundi guest-detainees sa dating lugar na pinagdadalhan nila ng kanilang nahuli — at nakasuot din sila ng orange na uniform.

Dahil ito sa order ni Judge Carlos Arguelles ng Baybay City Regional Trial Court Branch 14 na ikulong hindi lang si Marcos at ang kanyang 13 tauhan kundi maging ang limang operatiba ng local Maritime Group na sinampahan ng kaso kaugnay ng pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at ng isa pang inmate na si Raul Yap.

Gayunpaman, dahil sa order ni Arguelles ay hindi nadetine ang nakasuhang mga pulis sa detention facility na pinagpatayan nila kina Espinosa at Yap nang isilbi nila ang search warrant noong Nobyembre 5, 2016.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

“They will be detained at the CIDG office here but it will just be on a temporary basis,” sabi ni Chief Supt. Elmer Beltejar, director ng Police Regional Office(PRO)-8 sa panayam sa telepono.

Ayon kay Beltejar, nakatakda ang arraignment ng dalawang kaso ng murder laban sa grupo ni Marcos sa Marso 29, at inaasahang mag-iisyu sa araw na iyon ng permanent commitment order si Arguelles.

Matatandaan na agad sumuko sa PRO-8 si Marcos at ang 18 pang ibang pulis nang maglabas si Arguelles ng arrest warrant laban sa mga akusado sa pagpatay kina Espinosa at Yap. (Aaron Recuenco)