NAY PYI TAW, Myanmar — Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na lalo pang palalawakin ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa Myanmar sa iba’t ibang usapin.

Sa kanyang toast remarks sa official dinner sa Presidential Palace rito, sinabi ni Pangulong Duterte na bilang umuunlad na mga bansa, ang Pilipinas at ang Myanmar ay humaharap sa magkapareho at kumplikadong mga problema.

Ayon sa Presidente, hindi dapat matakot ang dalawang bansa sa paglutas sa mga problemang ito at, “we should use our friendship as a solid base for our fulcrum of collaboration that transformed challenges into opportunities.”

Sa depensa at seguridad, sinabi ni Duterte na ang dalawang bansa “must work closer to address the threats of terrorism and violent extremism that undermine the economic progress we have so far achieved.”

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“We should be unrelenting in our fight to dismantle the apparatus of the illegal drug trade. This menace is a challenge that knows no borders and affects all of us in the region,” dagdag niya.

Sa negosyo at pamumuhunan, sinabi ni Duterte na kailangang maipagpatuloy ng dalawang bansa ang paglago upang matamasa ng lahat sa lipunan ang mga biyaya ng kasaganahan.

Inilarawan ni Duterte ang kanyang unang opisyal na pagbisita sa Myanmar bilang mapalad na pagkakataon para sa dalawang bansa, at binanggit ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine-Myanmar bilateral relations noong nakaraang taon.

Pinasalamatan din ng Presidente ang pagtulong ng mga mamamayan ng Myanmar kapag mayroong kalamidad na sumasalanta sa Pilipinas tulad noong bagyong ‘Pablo’, nang lumindol sa Bohol, at noong super typhoon ‘Yolanda’.

Nagpahayag naman si Myanmar President U Htin Kyaw na ikinararangal niya ang pagdalaw ni Presidente Duterte.

“Myanmar has always attached great importance to our relations with the Philippines,” sabi niya. (Roy C. Mabasa)