TWAC_Super Tekla and Donita Nose copy

KUNG laugh trip ang hanap, tumutok na sa GMA News TV ngayong Miyerkules ng gabi dahil makakasama ni Igan Arnold Clavio ang tambalang araw-araw kinaaaliwan sa Wowowin na sina Donita Nose at Super Tekla. Asahang masaya at trending na kuwentuhan na naman ang hatid ng Tonight With Arnold Clavio (TWAC).

Espesyal ang episode dahil ito ang kauna-unahang pagsasama ng dalawang komedyante sa kuwelang interview sa TWAC, ang masayang handog ng programa sa ika-7 anniversary nito ngayong Marso.

Kilalanin sina Donita at Tekla sa bagong segment na “Akin ang Korona”. Hulaan kung sino sa kanila ang nadiskubre ng talent manager habang nag-vi-videoke sa loob ng mall, ang nangarap na maging guro, ang mayroong partner na OFW, at may anak.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa TWAC “Guess-Sing Game”, magpapagalingan silang dalawa sa paghula at pagbirit ng mga kanta. Sino kaya ang mas mahusay na singer kina Donita at Tekla?

Maglalaban din sila sa pasosyalan. Bibigkasin nila ang mahihirap i-pronounce na salita gaya ng mga mamahaling brand ng damit, bag at kung anu-ano pa. Sa mabilisang tanong at sagot naman, mabubuko ang iba pang trivia tungkol sa kanila gaya ng “best asset” ni Donita at “secret talent” naman ni Tekla.

Abangan ang lahat ng ito sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 PM, sa GMA News TV.