Pat at George copy

SINORPRESA ni George Clooney at ginawang espesyal ang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang 87-anyos na tagahanga na binisita niya sa nursing home nito.

Pinasaya ng 55-anyos na aktor si Pat Adams sa Sunrise of Sonning home, na naghahandog ng nursing, dementia care, at assisted living sa Berkshire, England. Nag-post ng larawan ang concierge ng care home na si Linda Jones sa Facebook ni Clooney kasama ang birthday girl. “A dream came true for one of our residents today,” ani Jones.

Lumiham ang staff ng pasilidad kay Clooney kung maaari niyang tuparin ang birthday wish ni Pat.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“The lady in the picture, loves George Clooney and mentions everyday how she would love to meet him, especially as he lives so near to where I work,” paliwanag ni Jones. Ipinadala nila kay George ang liham na humihiling kung maaari siyang makadaan sa nursing home lalo na sa nalalapit na kaarawan ng kanyang tagahanga.

Tinupad ng Oscar winner ang kahilingan at dumating na may dala-dalang birthday card at “a lovely bunch of flowers,” at hawak ang isa sa mga liham ng staff na ipinadala sa kanya, nag-doorbell at hinanap si Pat. Hindi nila inaasahang darating si George at kaya nagulantang sila nang dumating ang aktor.

“This was a classy gesture from a wonderful man,” saad ng Sunrise spokesman sa BBC. “She was absolutely thrilled to meet her great icon, and it was such a lovely surprise to see George greet her with flowers and a card.”

Nag-tweet naman ang Sunrise of Sonning senior living center, “Thanks #GeorgeClooney for visiting #SunriseofSonning and for making Pat, our wonderful resident, so so happy!”

Bumili ng bahay si Clooney at ang kanyang asawang si Amal sa Sonning, village sa Berkshire, noong Oktubre 2014.

Magiging magulang na sa unang pagkakataon ang mag-asawa dahil nagdadalantao na si Amal sa kanilang kambal.

(Yahoo Celebrity)