Upang maiwasan ang matinding pag-aaway ng mag-asawa tungkol sa ari-arian, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para amyendahan ang hatian na tinatawag na “conjugal assets.”

Sinususugan ng House Bill 5268 ni Speaker Pantaleon Alvarez ang Article 75 ng Title IV ng Family Code, na nagsasaad na kapag walang marriage settlement o “pre-nuptial agreement” ang mag-asawa, ang lahat ng ari-arian na kasama sa kasal, kabilang ang natamo sa panahon ng kanilang pagsasama, ay saklaw ng sistema ng absolute community o kapwa pag-aari ng mag-asawa.

“The contestation of property in the face of a growing rift only breeds resentment. To address these problems, the bill proposes to replace the regime of absolute community with that of total separation of property,” ani Alvarez. (Bert de Guzman)

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro