Tinalo ng University of the East, 3-1, ang University of Santo Tomas kahapon sa pagbubukas ng kanilang best-of-three finals series ng UAAP Season 79 lawn tennis tournament men’s division sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinlo ng sensational rookie na si AJ Lim si Ave Mosqueda ng Growling Tigers, 6-2, 6-2,sa second singles na nagbigay sa Red Warriors 2-1 bentahe sa laro bago sinelyuhan nina Paolo Baran at Jeric Delos Santos ang panalo makaraang pabagsakin ang doubles tandem nina Joel Cabusas at Bernlou Bering, 7-5, 0-6, 6-3,s second doubles.

Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan ng UE upang pormal na makopo ang titulo.

Tatangkain ng Red Warriors na tapusin ang duwelo sa muli nilang pagtutuos sa Game 2 na nakatakdang idaos sa Miyerkules sa parehas ding venue.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nakauna pa ang Tigers matapos magwagi sa Opening singles si Nico Lanzado, 7-6 (1), 6-3 kontra kay osshua Kinaadman ng UE.

Naitabla naman ng tamblan nina Rogelio Estaño at RJ Saga ang laban matapos pataubin ang pareha nina Clarence Cabahug at En-En Lopez ng Tigers, 6-3, 6-4 sa unang double game.

Samantala sa kababaihan, tatangkain ng reigning women’s champion National Universityna makumpleto ang ikalawang sunod na season sa pagsabak nila kontra UST ngayong umaga sa ganap na 8:00.

Kasalukuyang may hawak na 23-tie winning streak,ang twice-to-beat Lady Bulldogs. (Marivic Awitan)