Pagkaraan ng kanyang impresibong performance sa nakaraang SM NBTC League National High School Championhips, nakatakdang sumama si Sacred Heart School –Ateneo de Cebu guard Travis Mantua sa dating teammate na si Zachary Huang sa koponan ng University of Santo Tomas sa darating na UAAP Seaon 80.

Pormal nang nag-commit ang 5-foot-9 Fil-Ausie guard na si Mantua sa Tigers kung saan inaasahang pupunan nito ang naiwang puwesto ng nag-graduate na beternong guard ng koponan na si Jamil Sheriff.

Ayon kay Mantua, sisikapin niyang makapag-contribute sa Tigers at matulungan itong makaahon mula sa nakapanlulumong 3-11, panalo-talong pagtatapos noong nakaraang season.

Naging madali ang recruitment kay Mantua ng Tigers dahil na rin umano sa malapit sa puso ng ama nitong si Gerry ang UST.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I don’t know how to explain it but when I was still young, I always had this affinity for UST,” anang nakatatatandang Mantua.

Nakadagdag pa rito ang oportunidad na nakakasiguro itong makakalaro agad dito ang kanyang anak.

Ikinatuwa naman ni Huang ang pangyayari at naniniwala itong angkop at sakto sa sistema ng Tigers si Mantua.

(Marivic Awitan)