Paul Deiderio Cafe FRANCE copy

Pormal nang sumalta sa semifinals ang Cafe France para sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup matapos gapiin ang Jose Rizal University, 86-75 nitong Huwebes ng hapon sa kanilang quarterfinals match sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Umiskor ang dating University of the Philippines standout na si Paul Desiderio ng 16 puntos,kabilang dito ang tatlong three pointers,bukod pa sa apat na rebounds at dalawang assist habang nagdagdag ang Congolese center na si Rod Ebondo ng 16 puntos , 11 board, at 3 block para manguna sa naturang panalo ng Bakers.

Nakahabol mula sa sampung puntos , 22-32, na pagkakaiwan ang Bakers sa second quarter matapos magtala ng 33 puntos sa third period kung saan inagaw nila ang kalamangan, 65-55.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Di naman basta basta sumuko na lamang ang JRU at nakuha pa nitong ibaba ang kalamangan hanggang limang puntos, 65-70, may natitira pang 4:50 minuto sa laban .

Sa puntong ito pumukol si Desiderio ng magkasunod na tres, na dinagdagan pa ni Joseph Sedurifa ng isa para tuluyang layuan ang Heavy Bombers.

“I think this game really showed that our weakness is when the defense goes to a zone. We must make our outside shots so that we can also get the ball down low to Ebondo,” pahayag ni Coach Egay Macaraya.

Nanguna naman si Tey Teodoro para sa JRU sa naitala nitong 18 puntos. (Marivic Awitan)