NAPANTAYAN ng University of Santo Tomas ang National University sa ikaapat na puwesto sa team standings nang bokyain ang Bulldogs, 2-0, nitong Huwebes sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Umiskor sina Renz Gumban at rookie Conrado Dimacali sa Growling Tigers para mapantayan ang Bulldogs sa iskor na 10 puntos, ngunit abante ang NU sa goal difference.

Naisalpak ni Gumban ang goal sa header sa ika-50 minuto ng laro para sa 1-0 bentahe ng UST. Sinundan ito ni Dimacali sa ika-79 minuto.

Ginapi naman ng La Salle mula sa goal nina Nicko Villacin at Jed Diamante ang Adamson University, 2-0.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“First half, wala talaga. I’m not satisfied, parang walang control. Hindi tayo mananalo every game kapag wala tayong attempts on goals,” sambit ni UST coach Marjo Allado.

“Ang baba, parang hindi football namin,” aniya.