MAPAPANOOD ang husay at diskarte ng mga bangkerong Pinoy sa pagharurot ng Manila Bay Seasports Festival ngayon sa Rajah Sulayman Park, Baywalk sa Roxas Boulevard, Manila.
Ganap na 8:00 ng umaga magsisimula ang programa kasunod ang ratsadahan sa stock at formula races ng bancathon.
Magsisilbing highlight naman bukas ang dragon boat competition na lalahukan ng mga miyembro ng pamosong Philippine Dragon Boat Federation.
Ang dalawang araw na sportsfest ay magtatapos sa isang maningning na awards night, tampok ang libreng live concert na pangungunahan nina Renz Verano at Go Girls.
Ang naturang sports festival ay inorganisa ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng Star City at Lungsod ng Maynila.