Laro Ngayon

(RMSC Tennis)

8 n.u. -- UE vs UST (Men Finals)

SISIMULAN ng University of the East at season host University of Santo Tomas ang best-of-three championship series para sa UAAP Season 79 men’s lawn tennis ngayon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakda ang sagupaan ganap na 8:00 ng umaga.

Bahagyang pinapaboran ang Red Warriors, sa pangunguna ni rookie tennis phenom AJ Lim, nagpamalas ng katatagan sa matikas na 9-1 marka ng UE sa double-elimination round.

Nagtapos naman ang UST na may barahang 7-3, tinampukan ng 3-2 panalo kontra sa dating kampeong National University.

Tangan ang league-best 12 championship, tatangkain ng Tigers na muling makopo ang titulo na huli nilang napanalunan noong 2010-11 season.

Sa women’s division, tatangkain naman ng twice-to-beat NU Lady Bulldogs na makopo ang titulo sa pagsagupa kontra UST.

Ang Lady Bulldogs, sinasandigan nang magkapatid na Clarice at Christine Patrimonio, ay kailangan lamang ng isang panalo para makamit ang impresibong ‘four-peat’.

Hawak din ng NU Lady netters ang record 23 winning run. (Marivic Awitan)