JESSY AT LUIS copy

TAHASANG itinanggi ni Luis Manzano ang nakarating na tsika sa amin na nakatakda siyang mag-propose na kasal sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Hindi naman daw dapat madaliin ang bagay na ito, banggit ng panganay ni Lipa City Cong. Vilma Santos. Hindi naman daw siya in a hurry na maging misis si Jessy.

“Well, steady lang naman ang relasyon namin pero alam ko rin naman na 35 na ako and will be 36 this coming April 21 at siya naman, eh, will be turning 25 na rin,” natatawang banggit ni Luis.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero naiintindihan daw niya na may mga responsibilidad pa si Jessy sa sariling pamilya.

“I completely understand the fact that she still has so many responsibiliites for herself and her family. And I will never take that away from her,” sey pa ni Manzano.

Hindi raw siya magiging kontrabida sa priorities na dapat munang asikasuhin ni Jessy.

“I will never take that away from her. ‘Nirerespeto ko ang timetable niya niya, the same way she respects my timetable. But when she’s ready, I’m definitely right by her side,” lahad pa rin ng nangungunang Kapamilyang TV host.

Ini-enjoy lang daw muna nila ni Jessy ang relasyon nila, dagdag pa ng Minute To Win It host.

Pero totoo ang isyu na ang Star for All Seasons ang atat na atat nang magkaroon sila ng anak ni Jessy.

“Well, si Mommy naman, eh, hanggang d’yan lang ang masasabi niya. Siyempre, gustung-gusto na niyang makikita ang apo niya pero darating din naman tayo d’yan,” napatawang banggit ni Luis.

Ikinuwento rin niya na halos tuwing Linggo ay nagkakausap sina Ate Vi at Jessy. Madalas daw kasi niyang isinama ang kasintahan sa mga okasyon ng pamilya nila.

“Sa totoo lang, lahat ng pamilya ko, eh, gusto nila si Jessy. Nagkakausap sila, nagtatawanan at very, very casual.

That’s how we want it, as casual as organic. ‘Yung totoo lang. Nagkukuwentuhan ng mga kalokohan, at kulitan to the max,” may ngiting banggit ni Mr. Manzano.

Pero may aabangan daw naman talaga ang lahat tungkol sa relasyon nila ni Jessy Mendiola sa mga susunod na araw, huh!