Napaiyak na lamang ang isang ginang nang arestuhin siya ng mga pulis na nakahuli sa kanya sa aktong nagsa-shabu habang nag-aalaga ng mga anak sa Caloocan City, nitong Huwebes ng gabi.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampang kaso laban kay Irish Eugenio, 33; gayundin ang kakambal niyang si Melvin, kapwa residente ng Block 15, Lot 102 Teachers Village, Barangay 12 ng nasabing lungsod at pati na ang sinasabing supplier ng droga na si Gilbert Tandog, 35, ng Block 57-E, Lot 1, Phase 3, F2 Kaunlaran Village, Bgy. 8.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director chief Supt. Roberto Fajardo, bandang 9:00 ng gabi nakatanggap ng tip ang District Drugs Enforcement Unit (DDEU) na may isang bahay sa Bgy. 12 na ginagawang drug den tuwing gabi.

Dahil dito, sinalakay ng mga pulis at pinasok ang ikatlong palapag ng bahay ni Irish at nahuli sa aktong nagsa-shabu ang ginang sa harap mismo ng tatlo niyang anak.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasa piling na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga anak ni Irish na nasa edad 2, 1 at walong buwan. (Orly L. Barcala)