SANAY na si Kris Bernal sa pamba-bash sa weight niya at sa walang tigil na body shaming na kanyang natatanggap, kaya dedma siya sa muling pagdagsa ng pambabatikos sa kanya.

Muling nag-ingay ang bashers ni Kris nang magpa-pictorial siya na naka-two-piece. Kesyo hindi raw bagay sa kanya ang payat, magpataba raw siya, at kung anu-ano pang payo tungkol sa mga dapat daw niyang kainin para tumaba siya.

Nakikita naming kumain si Kris at kami na ang nagsasabing malakas siyang kumain. Ganoon lang talaga ang bone structure at body built niya, kaya hindi tataba kahit lumamon nang lumamon. Naging fit pa si Kris dahil nagdyi-gym at grabe siyang mag-workout.

Heto ang sagot ni Kris sa body shamers at namba-bash sa kanya: “And don’t be afraid, sweetheart, you can’t please everyone. You can try and fail miserably, it’s impossible no matter what you do. You’re all grown up now. You’re already 27. Make your own decisions. Don’t focus on living up to other people’s standards, raise it your own!”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

At tungkol sa pagtu-two-piece niya sa isang pictorial. Heto ang sabi ni Kris: “This is exactly the point in my life where I need to ditch the excuses and start being an adult. Today’s playground.”

Samantala, muling mapapanood si Kris sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Impostora. Ito ang unang show niya sa bagong three-year exclusive contract na kanyang pinirmahan sa network. Isa ito sa pinakamahirap na project ni Kris dahil may prosthetics siya at dalawa ang karakter na kanyang gagampanan. (Nitz Miralles)