Mga Laro Ngayon

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- UST vs UE

4 n.h. -- DLSU vs AdU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

TARGET ng University of Santo Tomas na makatabla sa National University sa ikaapat na puwesto sa pakikipagtuos sa University of the East ngayon sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Inaasahang pagbibidahan nina Jason Rafol at AJ Pasion – kapwa nakapagtala ng tig-dalawang goal ngayong season -- ang atake ng Growling Tigers ganap na 2 ng hapon.

Puntirya naman ng De La Salle at Adamson University na masimulan ang second round sa positibong pamamaraan sa kanilang duwelo sa 4:00 ng hapon.

Tangan ng UST ang dalawang panalo, isang draw at apat na talo sa first round, at kumpiyansa si coach Marjo Allado na makakabawi ang kanyang tropa sa krusyal na aspeto ng liga.

Ang panalo ng Tigers ay magpapatatag sa kanilang kampanya na makahirit sa Final Four.