Sam copy

DUMATING na si Sam Milby noong Martes mula sa mahigit isang linggong bakasyon sa Paris kasama ang TV host/model/blogger girlfriend niyang si Mari Jasmine.

Unang punta iyon sa France ng aktor na sa Amerika at Canada kadalasan nagtutungo kapag may TFC shows bukod pa sa ipinanganak siya sa Ohio at doon nakatira ang pamilya niya.

Madalas sa Paris si Mari Jasmine kaya ipinasyal siya nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Na-amuse si Sam sa ganda ng lugar kaya hindi niya masyadong inisip na marami palang mandurukot doon. Hayun, unang araw pa lang nila, nadukot na ang pasaporte niya na inakala sigurong pitaka. Mabuti na lang, nasaulian pa rin niya ito pagkaraan ng ilang oras.

Kaya may payo si Sam ngayon sa mga nagbabalak pumunta sa Paris.

“So nice to be in a city where you can travel anywhere easily by train. But word of advice when using the train in Paris -- always be aware of your belongings. In the eight days I was here, three people from our group (myself included) were pickpocketed, and we also witnessed another woman get robbed while riding,” saad ng aktor.

Samantala, aasikasuhin na ni Sam ang tinatapos niyang album sa Star Music. Halos anim na taon na ang huling album ni Sam.

Mas nag-concentrate kasi si Sam sa pelikula at teleserye nitong mga nakaraang taon kaya hindi niya natutukan ang album. (Reggee Bonoan)