MAGKARIBAL sa collegiate league, ngunit para sa bansa, isa ang layunin nina dating Ateneo superstar Alyssa Valdez at La Salle belle Mika Reyes –karangalan at dangal para sa bayan.

Kabilang ang dalawa, itinuturing na ‘crowd drawer’ sa UAAP at sa commercial league, sa Philippine volleyball team na isasabak sa international competition, kabilang ang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31.

Pormal na ipinahayag ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. – ang asosasyon na binuo ng Philippine Olympic Committee (POC) – ang line-up ng RP women’s squad kahapon sa PSA Forum na kinabibilangan din nina UAAP stars Jaja Santiago ng National University, at beteranong sina Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga, bahagi ng koponan na isinabak sa 2016 FIVB Women’s Club World Championship.

Napili rin sa isinagawang tryout sina middle blockers Aby Marano, Dindin Manabat, Lourdes Clemente, Gen Casugod, Maika Ortiz at Marivic Meneses, lefty opposite spiker Aiza Maizo-Pontillas, at spikers Myla Pablo, Gretchel Soltones at Elaine Kasilag.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa koponan din sina setter Roselle Baliton ng University of the East, Rhea Dimaculangan at Kim Fajardo, libero Bia General, Denden Lazaro at Kath Arado.

Itinalagang coach si Francis Vicente. (Marivic Awitan)