NORA copy

TUMPAK ang sinabi ng nakausap naming ABS-CBN executive noong kainitan ng pag-uurong-sulong ni Nora Aunor sa guesting sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime.

Hindi raw kawalan si Nora Aunor kung hindi man ito sisipot sa grand finals.

Nang araw na iyon kasi naitala ang all-time high ratings sa kasaysayan ng It’s Showtime – sumisirit na 33.6%.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Katunayan lang ito na inabangan at mas pinanood talaga ng netizens ang “TNT” finals.

Pero mas maganda pa rin siyempre kung dumating sana si Nora dahil may inihanda sanang magandang tribute para sa kanya ang produksiyon kasama ang iba pang mga nanalo sa “Tawag ng Tanghalan” noon.

Puwedeng sabihing baka mas tumaas pa sa 33.6% ang rating ng TNT finals kung dumating si Nora kasi siya ang special hurado. (Reggee Bonoan)