ELMO DEO JANELLA AT NASH copy

KINUMPIRMA ni Nash Aguas na gagawa siya ng teleserye kasama sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Kasunod ng kanyang confirmation ang ipinost sa Instagram ng Dreamscape head na si Deo Endrinal na magkakasama ang three stars para sa project na inihahanda ng sikat na production unit ng ABS-CBN.

“Siguro nabalitaan n’yo na kasi nag-post si Sir Deo. Abangan n’yo ‘yun kasi kakaibang teleseryeng ‘yun,” sabi ni Nash.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi pa ng bagets, he was blown away nang iprisinta sa kanila ang concept ng soap.

“Nung prinesent sa amin ang story maski ako nagulat. Mas pang-international ang plot ng story,” kanyang sabi.

“So hindi lang siya basta kilig-kilig. Maraming mysterious na mangyayari so abangan n’yo.”

Walang binabanggit na ipa-partner sa kanya. Hindi kaya siya ang magiging third wheel kina Elmo at Janella?

“‘Yun ‘yung exciting na part kasi usually, di ba, may ka-partner ako? So actually hindi rin naman ako third wheel pero kailangan n’yong abangan kung ano ang mangyayari,” pabiting sabi ng young actor. (ADOR SALUTA)