Kris sa Philippine Carabao Center copy

BACK to work na ulit si Kris Aquino pagkatapos magkaroon ng minor accident, nabagsakan ng bakal ang kaliwang paa, noong nakaraang linggo habang nagti-taping para sa kanyang two-hour TV special na ipapalabas sa GMA-7.

Alas kuwatro ng madaling araw kahapon ay nasa daan na si Kris patungong Central Luzon State University.

“We left at 4 AM. On my way to CLSU in Nueva Ecija. Unbelievable Tuesday -- will hopefully be home before 9 PM to shower & get ready to be at NAIA by midnight for our 2 AM flight to Guangzhou for @chowkingph franchise convention. I prayed to be busy & productive -- super binigay ni God,” post niya sa Instagram kahapon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Agad niya itong sinundan ng, “Good morning. Natuloy at last ang bonding namin ng mga kalabaw. Thank you Melchor & Cynthia for sharing your heartwarming love story. #TripNiKris.”

Matatandaang sinabi ni Kris na hindi na muna matutuloy ang taping niya sa mga kalabaw sa Philippine Carabao Center sa Science City of Muñoz, nu’ng maaksidente siya.

Samantala, magkakaroon na rin ng blog si Kris na marami siyang ikukuwento kasama na ang bago niyang eating habits para ma-maintain ang timbang niya.

Aniya, “Eat my main meal of the day between 2:30-5 PM, it’s what works for me to maintain my weight -- dinner is really much lighter (I have a blog about that coming soon -- my Kris On Line team is just taking forever to layout -- but they promised me a Sunday upload.)” (Reggee Bonoan)