Jake copy

MAGKIKITA sana kami kahapon ng manager ni Jake Cuenca na si Neil de Guia pero bigla siyang nag-text na hindi kami matutuloy dahil naaksidente sa bike ang aktor.

Nang makausap ng DZMM ang ama ni Jake na si G. Juan Tomas Cuenca, nalaman naming nangyari ang aksidente sa SM MOA, ala siyete ng umaga, habang nagti-training ang aktor.

“Si Jake kasi every morning, he trains for Ironman sa may MOA. Biglang nagpreno ang isang malaking truck and he did not have time to break, so tinamaan niya ‘yung truck. Dumiretso siya sa ospital. Nasa emergency room siya, nasa trauma,” kuwento ng ama ni Jake sa DZMM.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Yung driver niya mismo (ang nagdala sa ospital) because there were no ambulances on site. Sa Medical City, that’s where he is now. Meron siyang two broken bones on the hand.

“He had to have stitches in his chin. They are still continuing with the tests kung ano pa ang damage sa kanya,” pahayag pa ni G. Cuenca.

Conscious naman daw si Jake habang ginagamot pero iniinda nito ang sakit na nararamdaman sa mga sugat, galos at lamog. Pinauwi na ito as of press time pero babalik sa Biyernes para sumailalim sa operasyon ang dalawang baling buto sa kamay.

Kasasali lang din ni Jake sa Ironman Subic 70.3 nitong nakaraang Linggo, ang kanyang unang triathlon race, at target naman sana nito ngayon ang Cebu kaya panay pa rin ang kanyang training.

Gumaganap siya bilang triathlete sa kinukunan nang Ikaw Lang Ang Iibigin na pagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. (REGGEE BONOAN)