MARX AT GLAIZA copy

MARAMING nangyayari sa Encantadia, may maganda at hindi maganda, pero karamihan ay ikinatutuwa ng Encantadiks.

Gaya ng pagbisita ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa set ng fantaserye at nag-treat pa siya ng Japanese food sa cast, crew at kay Direk Mark Reyes. Ang sabi, binisita ni Herbert ang mga kaibigang sina Eula Valdes at Cheska Iñigo na kasama sa cast.

Ang cute ng picture ni Herbert na ipinost ni Direk Mark dahil mukha lang niya ang nakita at parang nakisingit lang sa kodakan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May nabubuo ring love team sa Encantadia at ito’y ang AzPiren na ang ibig sabihin ay Azulan (Marx Topacio) at Pirena (Glaiza de Castro). Hindi naman siguro magseselos si Maxine Medina na may ka-love team ang dyowa niya sa fantaserye.

Isa pang magandang pangyayari na lubos na ikinatuwa ng fans nina Kylie Padilla at Ruru Madrid ay ang pagsama ni Kylie sa cast ng Encantadia sa panonood ng premiere night ng Beauty and the Beast. Nabuhayan ng loob ng Ybramihan fans (Ybrahim at Amihan na ginampanan nina Ruru at Kylie) at nag-request na naman sila na ibalik sa fantaserye si Kylie.

Maitanong nga kay Direk Mark kung para saan ang nire-rehearse na dance number ng cast ng Encantadia. May piging ba at sayawang magaganap sa kaharian ng Lireo? (NITZ MIRALLES)