Diego3 copy

“THE truth will prevail, LOL (laughing out loud)”.Ito ang post ni Diego Loyzaga nitong nakaraang Linggo sa kanyang Twitter account tungkol sa reklamo ng mga empleyado ng Tourism Promotion Board (TPB) sa amang si Cesar Montano na na-mismanage raw nito ang halagang labing-isang milyon at dalawang daang libong piso na ipinasok nito sa Carat Philippines nang magkaroon ng concert sa nakaraang Pebrero 25 rally sa Luneta at isa ang aktor sa performer.

Matatandaang galit si Diego sa ama niya at inilabas niya ito sa social media account kamakailan lang kaya ganito ang reaksyon niya.

Kung ang ibang anak ng artista ay to the rescue kapag nadadawit ang magulang nila ay kabaligtaran naman si Diego pero tila naiintindihan naman siya ng netizens dahil may pinagdadaanan nga ang mag-ama.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Siguro ang mga anak na lang ni Sunshine ang hingan ng reaksiyon sa kinasasangkutan ng kanilang ama, baka positibo pa.

(Reggee Bonoan)