Sheena_Juancho_RJ 1 copy

HINDI maikaila nina Sheena Halili, Juancho Trivino at RJ Padilla ang kanilang closeness nang mag-Facebook Live sila kamakailan. Napansin ng kanilang fans na hindi sila nagkakailangan anumang ang paksang pinag-uusapan.

Patok sa bawat isa ang jokes nila. Laging naka-back-up ang dalawa kapag may sinasabi ang isa at sumakit ang tiyan sa kakatawa ng mga nakapanood sa kanila.

Halatang maganda ang bonding at pagkakaibigang nabuo nila habang ginagawa nila ang Destined To Be Yours na umeere gabi-gabi sa GMA Network. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, inaabangan ng televiewers ang pag-usbong ng pagmamahal sa puso ni Sinag (Maine Mendoza) para kay Benjie (Alden Richards), ang bida sa kanilang serye. Exciting umuwi ng maaga every night ang netizens dahil sa Destined To Be Yours.