Pinayuhan kahapon ng mga nakatatandang kongresista ng administrasyon si Speaker Pantaleon Alvarez na huwag nang ituloy ang bantang aalisan ng mahahalagang posisyon ang mga mambabatas na bumoto kontra sa death penalty bill.

Nangyari ito kasabay ng pahayag ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero, chairperson ng House Committee on Basic Education and Culture, na handa siyang bitawan ang kanyang posisyon kung ito ang nais ni Alvarez.

Sinabi ni Escudero na inaasahan niyang maninindigan din laban sa parusang bitay ang anak niyang si Senator Francis Escudero, dahil ito ang kanyang paniniwala.

Sinabi nina Reps. Randolph Ting, chairman ng House Committee on Labor and Employment, at Celso Lobregat, chairman ng House Committee on Public Works, na maling hakbang ang pagpaparusa sa mga miyembro ng majority bloc na bumoto ng “no”.

Eleksyon

Alice Guo, hindi na raw tatakbo sa 2025 elections: 'Linisin ko po muna sarili ko'

“Why rock the boat when everything is going fine,” ani Lobregat.

Sinabi ni Ting na status quo ang pinakamagandang estratehiya kahit na nais ni Alvarez na suportahan ng mga kaalyado ang mga isinusulong na panukala ng administrasyon.

“It’s just politics,” komento niya.

Iginiit ni Escudero, miyembro ng Nationalist People’s Coalition, na bumoto siya ayon sa dikta ng kanyang konsiyensiya.

“We are independent on what the Speaker has said and I have my own conviction. I guess we will just abide by his decision,” diin niya.

Ang tatlong opisyal ng Kamara ay panauhin sa majority news forum ng Mababang Kapulungan kahapon. (Ben R. Rosario)