Iniranggo ang Manila na ika-135 sa Mercer’s 2017 list ng mga lungsod na nagbibigay ng pinakamataas na kalidad ng buhay, habang ang Singapore ang pinakamataas sa Asia sa ika-25 puwesto.

Ang survey ng 231 lungsod ay tumutulong sa mga kumpanya at organisasyon na tukuyin ang suweldo at hardship allowance ng kanilang international staff. Kasama sa criteria ang political stability, health care, edukasyon, krimen, recreation at transportasyon.

Ang Vienna, ang kabisera ng Austria, ang nanguna sa Quality of Living Survey ng consulting firm sa walong magkakasunod na taon, habang ang Baghdad ay muling itinuturing na worst place to live. (Reuters)

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline