optional_DIMPLES JOSHUA AT ARJO copy

PAGKATAPOS ng pagdalaw ni Sylvia Sanchez o Gloria ng The Greatest Love sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano ay si Arjo Atayde o Joaquin Tuazon naman ang dumalaw sa set ng ina noong Huwebes.

Kuwento ni Arjo, magkalapit lang ang location nila ng ina sa Quezon City kaya nagkakadalawan sila sa set.

Nakipag-bonding si Arjo kina Dimples Romana at Joshua Garcia, gumaganap na anak ni Gloria na si Amanda at apong si Z.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nakakatawa ang caption ni ‘Gloria’ nang i-post ang litrato nina Amanda at Joaquin: “Paano kaya kung kayo ang magkatuluyan, Amanda at Joaquin? Anong klaseng anak kaya meron kayo? Alam kaya ng anak n’yo ang salitang#thegreatestlove? O baka s’ya ang bagong makakalaban ni#angprobinsiyanong Cardo Dalisay?

“Definitely, hindi kasing bait ni Z ang anak n’yong dalawa!! Imposible!!! #kapamilyagold #primetimebida #abscbn #gmounit #dreamscape #thekontrabidas #goodkids #goodheart.”

Oo nga, parehong masama ang ugali nina Amanda at Joaquin, kaya tiyak hindi rin maganda ang ugali ng magiging anak nila kung sakali.

Pero, hindi naman siguro sasama ang ugali nang dalawang anak kung walang pagmamanahan, at alam naman ng televiewers na masamang ama si Tomas Tuazon (Albert Martinez) at lolo nitong si Don Emilio Syquia (Eddie Garcia).

Samantalang may pinagdadaanan naman si Amanda, dahil ramdam niyang unwanted child siya ni Gloria, dahil nga bunga siya ng rape.

Anyway, parehong pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz ang dalawang programang The Greatest Love at FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa napakataas na ratings. (REGGEE BONOAN)