Barbie at Ken copy copy

ANG taas ng kilig factor ng love team nina Barbie Forteza at Ken Chan sa Meant To Be dahil kinikilig ang lahat ng tagasubaybay nila kahit magkatabi lang sila. Lalong kinikilig ang viewers kapag sinusungitan at inaaway ni Yuan (Ken) si Billie (Barbie).

Ang daming comments sa social media sa mga eksena ng dalawa at umaasa ang fans na tuluy-tuloy silang pagtatambalin ng GMA-7 pagkatapos ng MTB. Ang sabi ng fans, ‘wag sanang sayangin ng network ang init at ingay ng KenBie love team kung sa isang show lang sila pagtatambalin.

Unang nagkasama sina Barbie at Ken sa Tweenhearts, noong mga bata pa sila and after so many years at maraming nakapareha si Barbie, ngayon lang uli sila pinagtambal. Kahit siguro ang network, hindi ini-expect ang malakas na chemistry nina Barbie at Ken. Naka-jackpot sila sa love team ng dalawa at sana nga, ‘wag agad putulin at itambal sila sa iba.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sweet din off-cam sina Barbie at Ken at kinu-consider ang isa’t isa bilang happy pill. Sabi pa nga ni Barbie, malaking bagay sa kanya na pinapasaya siya ni Ken kahit puyat at pagod ito.

Wala pang ligawang nangyayari sa dalawa, although inamin na ni Ken kay Barbie na nagkakagusto na siya rito. Tumawa lang daw si Barbie na nabanggit na ready na uli siyang magpaligaw. Ang gusto lang niya, mamahalin at rerespetuhin ng lalaking manliligaw sa kanya ang parents niya na mahal na mahal niya.

Anyway, naintriga ang KenBie fans sa napanood na latest video nina Barbie at Ken nang dalhan ni Barbie ng Starbucks coffee si Ken habang nasa taping sila ni Meant To Be. Tinawag kasing “Daddy” ni Barbie si Ken na “B” naman ang tawag sa aktres. Short daw ito sa “Baby.”

O, di ba, wala pang relasyon may terms of endearment na ang dalawa. (Nitz Miralles)