NORA copy

NAALIW kami sa reaksiyon ng netizens sa hindi pagpunta ni Nora Aunor bilang special hurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime noong Sabado dahil mas ginusto raw nitong maglaro ng Jack en Poy sa Eat Bulaga.

Ang ilan sa mga nabasa naming komento, “Mas gusto daw niya makipag-jack en poy, eh, kesa maging hurado sa TNT.”

“Dapat sa ‘TNT’ na lang siya sumipot bilang hurado, nandoon pa ang ibang winners noon ng ‘TNT’.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dalawang beses pumayag at dalawang beses ding nag-back out si Ate Guy sa guesting niya sa ‘TNT’ na ang idinahilan ay binabastos daw siya ni Vice Ganda.

“Nag-back out ako dahil hindi ko kaya si Vice Ganda. Hindi kaya ng puso ko ang pambabastos na ginawa sa akin ni Vice Ganda.

‘Yung usual na ginagawa niya na magsasalita siya pero may pinatatamaan,” pahayag ni Ate Guy kay Katotong Mercy Lejarde.

Pero sa halip na sumagot si Vice ay mas ginusto nitong manahimik.

Sabagay, sabi nga sa kasabihan,‘Silence is the best revenge.’

At ang ending, natalo si Nora sa Jack en Poy. (REGGEE BONOAN)