NOVEN-3 copy

SI Noven Belleza ng Negros Occidental ang tinanghal na unang grand champion ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime sa ‘Ang Huling Tapatan’ na ginanap kahapon sa Resorts World Manila.

Napanalunan niya ang premyong P2 milyon, house and lot mula sa Camella, recording contract sa Star Music, musical package mula sa JB Music, negosyo package, at family vacation package.

Pinahanga niya sa kanyang powerful vocals ang mga manonood at ang judges nang awitin niya ang OPM hit na May Bukas Pa at ang Air Supply medley.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pumangalawa kay Noven si Sam Mangubat ng Batangas, at third placer naman si Froilan Canlas ng Camarines Sur.

(Dindo Balares)