iron copy

SUBIC – Dinugtungan ni multi-titled Wacky Baniqued ang dominasyon, habang nagtala nang impresibong panalo si Karen Andrea Manayon para pagsaluhan ang tagumpay sa Alaska IronKids Triathlon kahapon sa Remy Field dito.

Gitgitan ang labanan nina Baniqued at Clifford Pusing sa 3.2K run event kung kaya’y ibinase sa photo finish ang desisyon sa boys’ 13-14 diadem. Kapwa naisumite nina Baniqued at Pusing ang parehong tyempo na 42:31.

“It was my first time to experience racing neck-and-neck here and I’m happy to pull through,” pahayag ni Baniqued, winalis ang tatlong nilahukang karera sa nakalipas na season.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa kanyang huling pagsabak sa naturang division ng torneo na inorganisa ng Sunrise Events, Inc. at suportado ng Alaska Milk, siniguro ni Baniqued na maiuuwi niya ang karangalan.

“I’m gonna go all out, this being my last year,” aniya.

Nanguna naman ang pambato ng Talisay, Cebu na si Manayon sa distaff side sa naisumiteng oras na 48:27 laban kina Kristana Erica Derrada (51:38) at Angelina Powell (52:57).

“After placing third in Cebu last year, I really worked hard to achieve my goal of winning first place for the first time,” pahayag ni Manayon, bronze medalist sa nakaliaps na taon sa Cebu.

Ang Alaska IronKids ay bahagi ng programa para sa ilalargang Century Tuna Ironman 70.3. Matapos magpamalas ng kahusayan ang mga kabataan, ang mga pamosong lokal at foreign triathlete naman ang magpapakitang-gilas sa Superbods Underpants Run sa Subic Yacht Club.

Suot lamang ang kanilang underpants at iba pang gimmick na costume, ang karera ay batay sa tradisyon ng Kona at ginagawa bilang bahagi ng promosyon ng Century Tuna para sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

Ang iba pang IronKids winners ay sina Zedrick James Borja at Moira Frances Erediano sa 11-12 class, Michael Gabriel Lozada at Kira Ellis sa 9-10 class,at Gabriel Ethan Gaw at Kyle Enialle Toledana sa 6-8.