KUMAKALAT ang mga haka-haka na nasa honeymoon ngayon si Miley Cyrus dahil sa pananahimik sa social media na hindi pa rin niya ipinapaliwanag.

Nag-post ang amang si Billy Ray ng larawan ni Miley -- na nakasuot ng puti, flowing at lacy outfit – na nakapikit ang mga mata. “I’m so happy… you are happy @mileycyrus,” saad ng kanyang ama na nagbigay ng palayaw ni Miley na Smiley.

Bagamat hindi pa malinaw kung kailan o saan kinunan ang litrato (na maaaring ipinadala lamang ni Miley sa kanyang ama), umaasa ang Smilers, at nangangarap na nagpakasal na ito sa “favorite being EVER EVER EVER” na si Liam Hemsworth. Dahil ano pa nga ba ang maaaring ginagawa niya habang nananahimik sa social media?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi normal na walang post na kahit ano si Miley sa Instagram sa loob ng walong araw. Madalas, hindi natatapos ang araw na wala siyang ipino-post na larawan ng kanyang mga alagang hayop, kanyang dila, pot leaf, o anumang makinang na bagay sa Instagram. At higit sa lahat, simula nang makipag-ayos siya kay Liam noong Enero 2016, tila lubusan na namang na-in love ang dalawa sa isa’t isa. (Yahoo Celebrity)