Sa birthday at taping ni Maine copy

MAY pa-cake muna para kay Maine Mendoza bago sila finally nag-say goodbye ni Alden Richards at ng iba pang cast sa taping location ng kanilang Destined To Be Yours sa Dolores, Quezon.

Dahil last day of taping na nila roon at katatapos lang mag-birthday ni Maine, sinorpresa siya ng cast at production staff.

Late ang call ni Alden, kaya wala pa siya at si Maine lang muna ang nag-taping with Janice de Belen, Gardo Versoza, Sheena Halili. Dumating si Alden na may bitbit na bouquet of flowers at isang malaking cake na kailangan pang buhatin ng co-stars nilang sina Juancho Trivino at RJ Padilla.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nagulat si Maine dahil ang layu-layo nga naman ng location nila kaya hindi niya ini-expect na may pa-cake pa sa birthday niya. After ng happy birthday song, nag-pictorial sila with the production staff at pinagsaluhan ang birthday cake. Early morning of the next day na sila natapos ng taping doon.

Aminado sina Alden at Maine na mami-miss nila ang location nila kahit mahirap puntahan, dahil bukod sa maganda ay napakalamig ng sariwang hangin sa lugar na nasa paanan ng Mt. Banahaw. Marami raw silang magagandang memories na maaalaala roon.

“Inabutan kami ng malakas na ulan, malalim na putik sa daan, at naranasan din namin ni Maine at cast na madulas-dulas sa paglalakad, pero game lang, part ng trabaho,” sabi ni Alden. “Nag-enjoy din kami dahil parang isang big family kami rito.”

“Bale dito ko po naranasan ang unang taping ng isang teleserye na malayo sa ginawa namin ni Alden sa kalyeserye,” sabi naman ni Maine. “Pero hindi ako nanghinayang sa puyat at malayong paglalakad dahil isang magandang experience iyon sa akin. Salamat sa mga suporta ni Alden at ng mga co-stars ko rito, ng production team at ng mga tao rito na mababait at sinuportahan nila ang taping namin dito.”

Ngayon, palipat-lipat na sila ng location sa Metro Manila at ibang lugar like sa Tagaytay at Batangas na lesser ang travel time.

Kinikilig gabi-gabi ang AlDub Nation sa mga eksena nina Sinag (Maine) at Benjie (Alden), na para raw sa tunay na buhay nina Alden at Maine, at parang totoo ang dialogues. Hinihintay na rin nila ang twist ng story na tiyak na may away at dramahan ang dalawa, kapag nalaman na ni Sinag kung sino talaga si Benjie. Dito na raw lalabas ang tunay na acting ng dalawa.

Mula sa direksiyon ni Irene Villamor, napapanood gabi-gabi ang Destined To Be Yours after ng Encantadia sa GMA-7.

(NORA CALDERON)