Julia Montes copy copy

MATAGAL nang natsitsismis na may relasyon sina Coco Martin at Julia Montes pero hindi nakukumpirma dahil sa tuwing nakokorner ang Primeting King at ang Daytime Drama Queen, palagi silang umiiwas sa isasagot. Best friends o close friends lang ang description nila sa kanilang relasyon.

Pagkatapos pumirma sa renewal ng kanyang 3-year contract sa ABS-CBN last Thursday, muling tinanong si Julia tungkol dito.

“Okay po kami, super okay. ‘Yun lang, sadyang busy lang talaga. Hindi kami parati nagkikita pero ‘yung communication sobrang okay pa rin po. Kahapon magkasama kami kaya lang hindi sa magandang place. Pero okay po kami,” masayang sagot ng dalaga.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Never nagsasalita si Coco tungkol sa ‘kanila’, pero lagi nitong binabanggit na special sa buhay niya si Julia.

“Special din naman siya,” may ngiting reaksiyon ng dalaga.

Mas pinagtutuunan daw nila ng pansin ang kanilang trabaho para sa kani-kaniyang future.

“Tingnan muna natin kasi, personally, mas gusto ko lang mag-focus muna (sa career). Ang tingin ko sa buhay, huwag mo lang madaliin lahat. Kapag minadali mo ang isang bagay, baka mas madaling mawala. Take it slow, relax. Tingnan po natin kung saan (pupunta),” giit ng young actress.

Kasabayan ni Julia sa pagsikat ang kaibigang si Kathryn Bernardo na nagsimula sa Mara Clara days, kaya naitanong kung may komunikasyon pa ba silang silang dalawa o apekto ba ng kani-kaniyang popularity ang kanilang friendship?

“Sabi ko nga, kapag may best friend ka, even kami ni Kathryn, kahit hindi kami nagkikita lagi, ‘yung closeness nandoon pa rin. Siguro gano’n kami ni Coco, kahit hindi kami nagkikita parati or magkasama sa work, ‘yung closeness and ‘yung friendship, hindi pa rin nagbabago,” pagkukumpara ni Julia sa dalawang taong pinakamalapit sa kanya.

Kumalat kamakailan ang balitang lilipat siya sa GMA-7, pinatunayan ng pagpirma niya ng mahaba-habang kontrata na Kapamilya pa rin siya.

“Ang sarap po sa pakiramdam kasi siyempre noong nakaraan, may lumabas na lilipat po ako. Now, ang sarap sa pakiramdam na I can say na Kapamilya pa rin po talaga ako.”

Pagkatapos ng Doble Kara, naghahanda na siya para sa isa pang soap na ipapalabas ngayong taon ding ito.

“Unti-unti nagsisimula na kami mag-training. Super exciting kasi kailangan mo talaga siyang tutukan. May kailangan akong gawin para doon sa soap na ‘yun. Sobrang exciting for me. I can say na new version of Julia.”

Pahinga raw muna siya sa drama at susubukan niyang mag-action dahil halos nasaid ang kanyang luha sa halos araw-araw na pag-iyak sa Doble Kara na umere ng mahigit isang taon.

“Gusto ko maiba. Ang hirap maging specific pero kung kailangan ng physical, game ako doon. Mas gusto ko action field ‘yung mga gagawin. ‘Yung drama, medyo nagawa naman na po natin,” sey ni Julia.

So, kailan siya maggi-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano?

“Hindi naman po sa akin manggagaling ‘yun pero kung tatanungin po ako, gusto ko naman kasi ang ganda-ganda ng soap nila and talagang inspiring ‘yung show. Ang sarap lang maging part nu’ng show. Tingnan natin, hindi naman po sa atin manggagaling ‘yung decision,” masayang pahayag ni Julia. (ADOR SALUTA)