Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sibakin sa serbisyo ang limang opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) kaugnay sa pagkakadawit ng mga ito sa “pork barrel” fund scam noong 2012.

Kasama sa ipinasisibak sina Secretary/Commissioner Mehol Sadain, Director III Galay Makalinggan, acting Chief Accountant Fedelina Aldanese, acting Chief Aurora Aragon-Mabang at cashier na si Olga Galido matapos mapatunayang nagkasala ng grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. Kinansela ang kanilang retirement benefits at hindi na rin sila maaaring magtrabaho sa gobyerno.

Nag-ugat ang kaso sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Maguindanao Rep. Simeon Datumanong na namatay kamakailan. (Rommel P. Tabbad)

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?