SUNSHINE copy copy

MAGHE-HEARING na yata ang kasong isinampa ni Sunshine Dizon laban sa babaeng inaakusahang third party sa relasyon nila ng asawang si Timothy Tan at naging rason ng kanilang paghihiwalay. Pero kapag nai-interview, nakikiusap ang aktres na huwag nang pag-usapan ang kaso sa asawa at sa babae nito.

Tahimik si Sunshine kung anong kaso ang isinampa niya laban sa third party, basta mababalitaan na lang daw kapag nagsimula na ang hearing. Kung napatawad niya ang asawa sa naging kasalanan sa kanya, ang babaeng sumira sa pagsasama nila ay tila hindi niya tatantanan.

Ayaw tawagin ni Sunshine na ‘vindication’ ang success ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos sa nangyari sa married life niya. Nagkataon lang daw na nagustuhan ng viewers ang tema ng soap, kaya top rating ito at pinag-uuusapan ng viewers.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nang mag-FB Live nga sila ni Ryza Cenon, umabot sa 148,000 ang views and shares at first time na nangyari ito sa shows ng network na may FB Live ang cast. Ganu’n ka interesado ang viewers sa story at karakter ng Ika-6 Na Utos.

“Ang feeling ko kaya successful ang show dahil ipinakita ang nangyayari sa totoong buhay sa totoong mga tao. Naging vehicle ang show namin sa karamihan ng kababaihan na naging biktima nang panloloko ng kanilang mga asawa na ilabas ang sama ng loob nila. Ilabas ang nararamdaman at para makakuha ng tips kung paano makakaganti sa mga nanakit at nanloko sa kanila.

“Para sa kanila, this is the right time and finally, may show na tina-tackle ang problema nila sa mga asawa. Kaya congratulations to the writers na magaling maghimay ng story at dialogue, kay Direk Laurice Guillen at sa lahat ng involved sa Ika-6 Na Utos. This is a team effort, kaya masaya ang lahat ‘pag mataas ang rating namin. Laging may nagti-treat sa set,” pahayag ni Sunshine.

Tuwang-tuwa sa karakter ni Sunshine na si Emma ang viewers lalo na nitong lumaban na siya at naghiganti kina Gabby Concepcion at Ryza. Klik sa tao ang escalator at elevator scene nila ni Ryza.

Kinaaaliwan din ang mga ginagawa niya to seduce Rome (Gabby). Gaya nang nagsuot siya ng swimsuit at ‘yung footsie scene na hindi alam ng viewers, namroblema siya dahil mahaba ang legs niya at baka kung saang parte ng katawan ni Gabby umabot ang paa. (NITZ MIRALLES)