KAPWA umiskor sina veteran cockfighter Engr. Tony Marfori (Swing 888 Poultry Supply) at Jojo Cruz (J and B Kaingin) ng limang panalo sa anim na laban para paghatian ang kampeonato sa 3rd leg ng 2017 UFCC Cock Circuit nitong weekend sa Las Piñas Coliseum.

Nakatuon ang pansin sa dalawang kampeon sa pagpalo ng ikaapat na leg na isa pang 6-cock event bukas sa bagong gawang Las Piñas Coliseum.

Itinataguyod ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2017 UFCC Cock Cock Circuit ay suportado rin ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino.

Ang nalalabing 6-cock event ay gaganapin sa Marso 25 at Abril 1, habang ang one-day 7-cocker ay sa Abril 22.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nakatakda ngayon ang pagsumite ng timbang ng mga lahok (1.900 – 2.500 kgs.) ganap na 2:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi kasunod ang computer matching process.

Magkakasama namang may tig-apat na puntos sina Anthony Lim/Ferdie Ducepec (April 29 Big Event Lucena Cockpit Arena); Mayor Nene Aguilar (Aivee), Eddie Boy Villanueva (Fiscalizer Dragon Warrior Anonas); Charlie Gayoso, Jr. (CJ March 26 Big Event sa Calasiao); Brown (Brown); Ka Kuding Boongaling/Rey Soberano (LB Candelaria) at Raymond Burgos/Gerry Ramos (Sta. Maria Abada GR)